Favorite Song

Kung may Queer Hymn tayo.. Meron din nmn taung favorite song.. GLAMOROUS SKY by Nakashima Mika. Oh c Magi ang ngsabing peyborit ntn yan ah! Pakinggan nio na lng.. Below this:

Glamorous Sky

Saturday, April 14, 2007

Panaginip *(T_T)*

[mood] [haggard]
[music] [Kizuna - Kamenashi Kazuya]

Hoy. Kung akala niyo magsusulat ako tungkol sa pag-ibig kong walang pinatutunguhan, mali kayo.

Nanaginip ako nung Biyernes ng gabi, bago kami nagpuntang Batangas ng angkan namin para mag-outing nung Sabado.

NAPANAGINIPAN KO KUNG PAANO AKO MAMAMATAY.

Grabe! Isipin niyo nalang kung anong pakiramdam non! Tapos diba 'pag nagising ka sakto matapos mong managinip, mas malinaw yung alaala mo tungkol dun sa mga panaginip? T__T hirap na akong makatulog ulit.

Ganito yun, sumasakay raw ako ng jeep. Madaling araw. Mag-aalas kuwatro ng madaling araw. Hindi sinabi kung saan ako papunta. Basta sumakay ako ng jeep. Pauwi na raw ako nun, bale nasa Masinag na kami. Parang ganon.

Nagbayad lang ako nung pababa ako, kasi nasa harap ako. Sa tabi ng tsuper. Eh tapos napakagaling niya, ayaw manukli ng tama. Eh di hindi ko tinantanan hangga't hindi niya ko sinusuklian ng tama. Tapos bastos pa, pa-piso piso pa yung pagdagdag ng kulang, e limang piso yung kulan niya sakin! >:\

Nung pababa na ko dahil sa wakas natapos rin, yung barker niya na nakaupo sa likod bigla akong hinatak at bigla nalang akong nakaupo sa likod katabi niya. Sa kadahilanang hindi ko malaman, hindi ako makaalis s kinauupuan ko. Bigla pa akong hinawakan sa brase nung tsuper. Nakakatakot yung mata niya. Kumbaga sa Ingles, "evil glint." Waaaaaah!!! >__< style="font-style: italic;">SI MATSUYAMA KENICHI
yung barker. At hindi niya ko binitawan.

Nakatakas ako makalipas ang ilang minuto, pawis na pawis at humahagulgol. Dali-daling bumaba ang tsuper na hinahabol ako, nakangiti pa rin at hawak ang patalim. Grabe, bangungot para sakin yung eksenang 'yun. Habol siya ng habol sakin kahit na nasa highway kami.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik siyang mag-isa. Tinanong siya ng mga kasamahan niyang mga tsuper kung nasan na raw ako na hinahabol niya. Sabi niya bigla raw akong inatake sa puso habang tumatakbo at namata sa daan.

Sa puntong ito, nagising ako. Hindi yung gising na biglaan at gulat, kundi yung gising na mabagal, yung parang ayaw pa, yung parang may gumising saken. Sigurado ako guardian angel na padala ng Diyos yun.

Oo, nakakatawa noh? Pero ako hindi ako natawa nung pagkatapos ng panaginip na yun. Naluluha ako nun, pero hindi maiyak. Pawis na pawis yung leeg ko kahit naka-aircon kami. Tapos tuwing ipipikit ko yung mata ko, naaalala ko yng tsuper na nakakatakot. T__T

Pero alam niyo, napatunayan ko pa rin na labs ako ng ate ko =3 Hehehehe *lol* Eh kasi, nung mga bata pa kami, pag nananaginip ako ng masama, magigising siya sa iyak ko, tapos ang gagawin niya, patutulugin niya ko sa tabi niya. Tapos kahit takot na takot pa rin ako, makakatulog na'ko kasi may katabi ako. Aww.

Eh di nakikipagdebate ako sa sarili ko kung tatanungin ko ba ate ko kung pwede akong tumabi sa kanya. Grabe, inabot rin ako ng Pasko. Pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Tinanong ko siya.

"Ate Ariane..." sabi ko habang tinatapik ang balikat niya. Nagising siya.

"Ano..." sabi niya, antok ang boses.

"Pwede ba ko tumabi sayo?"

"Bakit..."

"Eh kasi.." at sa puntong ito bigla na ko umiyak T__T

"Eh kasi nanaginip ako ng masama.." sabi ko habang kinakamot ang mata ko.

"Oo na..." sabi niya at umusog para magkaroon ako ng lugar sa kama niya. Umiiyak pa rin ako habang kinukuha ang unan at kumot ko at tumabi sa kanya.

Hindi ako makatahan. Hindi na dahil sa panaginip, kundi dahil sa ate ko. Tuwang-tuwa ako siyempre =3 Hehe. Kahit papano may soft spot pa rin ang ate ko para sakin. :D

Ang sarap ng tulog ko non, kahit na ang sikip sa kama.

Gulat si Mommy nung ginising niya kami ehh. xD

3 comments:

cantthink_ofaname said...

Wow naman the title of this post! Nyahahaha!!!

Oi... tsk tsk tsk...
wag mo paniwalaan yang panaginip na yan...

Nagkakaron ako ng ganyang klaseng panaginip kapag may sakit ako.
May humahabol daw sa akin, papatayin ako. Tapos ang only way para makatakas ay pumunta ng Malaysia! Oh db? Hahahaha

YanYan said...

mamahh.. baka cnsbi ng panaginip mo wag ka na daw mag123.. haha! kaya cguro sa una pa lng ayaw ka suklian ng tama ng tsuper dun sa jip.. hehe..

Karla ^^, said...

ay wow... wag kang maniwala dun. nanaginip na din ako ng pagkamatay ko, nangyari daw yun before mag-graduation. eh napaginipan ko yun nung final exams. kaya medyo praning ako, kasi nasagasaan daw ako sa may gate tapos tumama yung likod ko dun sa may sidewalk? basta yun. tapos yun, dedo na ko pagdating sa ospital. pero wala namang nangyari sa totoong buhay. paraan lang yung ni God para sabihin na magingat ka, siguro? ganun yata kasi ginawa saken, di kasi ako marunong tumawid masyado. hehe. basta! yun na yun! ^^,