aamin na ko! nakakalimutan ko na kayo. andami ko nang kaibigan sa eskwelahan ko eh. pano yan? kasi mag-sun na din kayo. nago-globe pa din naman ako, pero paminsan-minsan lang. tsaka tuwing may load naman ako sa globe, wala namang nagrereply. kaya siguro, di ko rin kasalanan kung di na ko nagki-"keep in touch", hindi ba? tsaka naman, pag may nangyayari, di ko alam. pero baka kasi, nawawala ako sa mundong ibabaw? patay na ko nang di ko nalalaman? di niyo na alam ang aking contact numbers? eh pitong pindutan lang yun sa telepono ah. yes, ang tampuhin ko. pero di kaya pati kayo, ganito din ang nararamdaman? di lang naman sa grupo natin, pati yung mga kaklase naten at kaibigan. ganun ba pag graduate na? kahit ilang beses mong sabihin na di magkakalimutan, balewala pa rin? ilang pangako ang sinambit na kahit anong mangyari, magpapansinan, pero bakit wala namang magandang dinudulot? ganun nga siguro. di ko kasi alam. alam niyo ba na ganun talaga?
ilan sa mga kaibigan ko ngayon, ang suot nila ay high heeled sandals, kikay bags at mga damit na kahit kailan ay di ko nakita sa mga katawan niyo. ang dalawa ay kung magsalita ay di mo malaman kung tagalog o english ba ang gustong gamitin. yung isa, bennie counterpart: lalaking may braces at salamin, basta kamuka niya talaga si bennie. yung dalawa, mga Muslim, na tuwing pupunta ng eskwelahan, nakatakip ang buhok. yung isa, nagkatabi lang kami sa medical exam, best friends na kami. naghaharutan at nagkukulitan. pero ni isa sa kanila, hindi kayo eh, hindi tiga-james. korni man sabihin, per totoo naman hindi ba? jusko, dalawang taon. pagkatapos ng isang araw, pagkatapos ng March 31, poof! wala na ang dalawang taong pinagsamahan. tama, hindi ba? pero baka ako lang talaga nakakaranas nun. kasi globe users naman kayo lahat kaya oks lang. minsan iniisip ko, bakit di ko na lang kayo tawagan sa landline? para kamustahin, maghi, hello! ok ka naman? anong ginagawa mo sa bakasyon? eh patapos na nga eh. ang walang kamatayang, "san ka magaaral?" sa sobrang walang mapagusapan, pati mga tanong na alam naman ang sagot, tinatanong na din. weirdo din pala ko. ba't di ko nga gawin yun??? pero nakakahiya naman kasi, baka istorbo lang? kasi baka may better things to do kayo. haha, andrama ko talaga. naka-high kasi ako eh. ^^,
in short, mag-sun na kayo!!!
pinapahaba ko pa 'tong blog post eh yun lang naman gusto kong sabihin. alam niyo bang mas madaling kumontak sa mga pumanaw (for lack of better word) na kaklase kung unli call at text? ang sulit nito, mga dudes. promise. 100 lang, unli call at text ka na sa buong linggo! ayayay, napa-endorse tuloy ako. pero totoo naman. di ko naman kayo hinihikayat na itapon niyo ang mga globe simcards niyo. sinasabi ko lang, bili na kayo ng sun. itago niyo lang yung globe. dali na dali na. kung hindi, wag niyo kong sisihin kung mawala na talaga ako sa mga buhay niyo.
bye bye.
Favorite Song
Kung may Queer Hymn tayo.. Meron din nmn taung favorite song.. GLAMOROUS SKY by Nakashima Mika. Oh c Magi ang ngsabing peyborit ntn yan ah! Pakinggan nio na lng.. Below this:
Glamorous Sky
Sunday, May 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
LOIS TOH..
Ano? Pasukan niyo na agad? Ang aga naman bakla!
ahoy wag ka mgalala sa psukan mgbblak na aqng mg-sun.. toinkk.. pangako yann..
Post a Comment